Sunday, February 1, 2009

Banal Mong tahanan

Ang puso ko’y dinudulog Sa’yo
Nagpapakumbaba, nagsusumamo
Maging dapatin Mong
Ikaw ay mamasdan
Makaniig Ka at Sa’yo ay pumisan
Loobin Mo ang buhay ko’y
Maging banal Mong tahanan
Luklukan ng Iyong wagas na pagsinta
Daluyan ng walang hanggang mga Papuri’t pagsamba
Maghari Ka O Diyos
Ngayon at kailanman